Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 20, 2018 @ 20:54

NI: ROLDAN CASTRO

Pinagkakaguluhan talaga ang internet sensation na si Mader Sitang.

Sa pamamasyal niya sa Luneta Park ay nagbigay siya ng respeto sa ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal. Nag-salute din siya sa monumento ni Rizal.

Kalat din ang kanyang kabutihan at kawanggawa sa kapwa. Sa paglalakad niya pagkatapos mag-tour sa Luneta at Intramuros ay binigyan niya ng P500 pesos ang isang baby.

Ayon sa post ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino sa kanyang Facebook account:

“ omg…nakaka overwhelmed po at marami po bumabati at iniimbitan po ako at si mader sitang mula sa television, politician at mga organization. nakaka-proud din kasi marami din produkto na gusto mag pa endorse. however, medyo kapos po ang oras ko at d ko kayo ma- accommodate as of now. e reply ko kayo isa isa pag uwi nya at e book ko cya for next trip para sa atin. marami salamat sa pagtangkilik at support. taos puso po kaming nagpapasalamat sa inyong lahat. and aiiiiiiii thank you!”

Si Wilbert ay kilalang Mr. Gay World-Philippines 2009 (former National Director) and WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.,) founder at President na si Wilbert Tolentino

Anyway, may pasiklab ngayong gabi (October 20) si Mader Sitang sa Fahrenheit Café, E Rodriguez Sr. Ave, QC 11 PM at One 690 Entertainment , Roces Avenue, QC ng 12 Midnight. Bukas (October 21) naman ay mapapanood pa rin siya sa One 690.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..