Tuesday 18th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 20, 2018 @ 15:45

NI: ROLDAN CASTRO

Napatunayan ni Mader Sitang na maraming nagmamahal sa kanya sa Pilipinas. Marami talaga siyang followers. Mula pagdating sa airport nu’ng Biyernes hanggang sa kanyang presscon sa H&H Salon sa SM Block ay pinagkaguluhan siya.

Gustong makasama ng Asia’s top transgender supermodel “slash” lawyer at internet sensation ng Bangkok, Thailand na si Mader Sitang sa pelikula si Vice Ganda.

Pinaplano na raw ng Mr. Gay World-Philippines 2009 (former National Director) and WEMSAP (Web Marketers Specialist Association of the Philippines, Inc.,) founder at President na si Wilbert Tolentino na iprodyus ang naturang proyekto.

Anyway, may pasiklab ngayong gabi (October 20) sa Fahrenheit Café, E Rodriguez Sr. Ave, QC 11 PM at One 690 Entertainment , Roces Avenue, QC ng 12 Midnight. Bukas (October 21) naman ay mapapanood pa rin siya sa One 690.

Yes, nilusob ni Mader Sitang ang Manila para pasayahin ang mga Filipino fans. Personal na siyang makikita . Siguradong mapapanood ang nakakaaliw niyang signature hair flipping dance moves will surely spell G-O-O-D V-I-B-E-S in striking, red BOLD letters.

“Prepare yourself for a wind blowing Sitang extravaganza!”, deklara ni Mr. Tolentino na isa ring LGBTQ influencer.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..