Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 20, 2018 @ 17:14

NI: ROLDAN CASTRO

Simula Oktubre 22, tunghayan ang kwento ng pag-ibig at paghihiganti sa pinakabagong fantaserye ng GMA Heart of Asia, ang The Legend of Zu.

Itinatampok ng Chinese fantasy drama series na ito ang kwento ng Zu Mountain, ang nangungunang Sword sect sa loob ng maraming taon.

Upang protektahan ang mundo mula sa kaguluhan, inilagay ng Sect Leader na si Zhuge Yuwo ang makapangyarihang Pulang Bato sa loob ng katawan ni Ding Yin (William Chan) para hindi ito makuha ni Shangguan Jingwo (Nicky Wu). Ang batong ito ay sobrang makapangyarihan, na kaya nitong sakupin at sirain ang mundo at buhayin ang patay kung mapupunta ito sa maling mga kamay.

Nanirahan si Ding Yin sa Zu Mountain para magsanay gamitin at kontrolin ang kanyang kapangyarihan. Nakilala niya ang anak ni Lu Pao na si Yu Wuxin (Zanilia Zhao), na kamukha ng kanyang namayapang asawa.

Maggagamitan sa simula ang dalawa. Gusto ni Yu Wuxin na makuha ang blood demon at gustong mapalapit ni Ding Yin sa ama nito. Ngunit, mahuhulog ang loob nila sa isa’t-isa, kasabay ng pag-usbong ng mga problema sa Zu Mountain.

Matutupad pa kaya ni Ding Yin ang misyon niyang protektahan ang bato at ang mundo?

Samahan siya at ang kanyang sect mates sa The Legend of Zu, simula Oktubre 22, 8:50am sa GMA Network.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..