Tuesday 18th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 24, 2018 @ 14:03

NI: ROLDAN CASTRO

MATAPOS maiuwi ang kauna-unahang panalo ng Pilipinas sa international competition na “Asia’s Next Top Model,” susubukin naman ngayon ni Maureen Wroblewitz ang mundo ng telebisyon.

Ginulat ng half-Filipina, half-German beauty kamakailan ang lahat ng sorpresa siyang lumabas sa longest running noontime variety program na “Eat Bulaga”. Siya ang bagong pampagana.

Saad ni Maureen na kinailangan niyang i-decline ang offers mula sa dalawang television networks nang siya ay mag decide na pumirma ng kontrata sa Eat Bulaga. Ayon sa dalaga, naging driving force niya ang matagal ng pangarap ng kanyang 82-year-old na Lola Iluminada Pojas na regular siyang makita sa programa.

“I’ve known the show since I was a little and I know that it is being watched by millions worldwide. As a matter of fact, my grandmother religiously watches it. It’s her longtime wish to see me regularly on television and me joining Eat Bulaga is, in a way, fulfilling that wish. At the same time, I want to try something new, venture into an unknown territory — live television. And what better way to do that than to be part of the longest and most successful program in the country.”

Ayon kay Jeny Ferre, SVP for Creatives and Operations ng Eat Bulaga, na-impress ang management sa ipinakitang determinasyon, passion and fighting spirit nito kaya naisip nilang kuning bagong host si Maureen.

“She’s a natural and has so much potential. When you talk to her, she has that charm and you’ll really feel that she’s here to prove something of herself. And we like that attitude. She’s eager to show what she can do and at the same time very open to new ideas.”

Dagdag pa ni Ferre na nais nilang yakapin at makapag adapt si Maureen sa mundo ng telebisyon. Gusto din ng management na unti-unting subukan ng modelo na mas maging active sa ibang portions ng Eat Bulaga. “She’s a model and it is understandable that she is not used to the television life. But she can very well carve her own path in this industry and we’re happy to be part of that.”

Para naman kay Maureen, napakarami pa niyang kailangan malaman at matutunan mula sa kanya mga co-hosts. Ngayon pa lang din siyang nasasanay sa live television at mag-host sa harap ng madaming audience.

“I still get nervous and I admire people who work live on television because it’s not easy. I just try to calm myself down and get help from the people who have always been there for me. It’s scarier but it is fun. I actually enjoy it.”

Ngunit kahit baguhan sa telebisyon, hindi naman nagpapa-apekto ang 20-year-old sa mga negatibong komento sa kakulangan niya ng experience sa hosting at maging sa kanyang Tagalog speaking skills.

Ayon dito, mas gugustuhin niyang mag focus sa mga positibong bagay. “People always ask me if I get affected. Of course I get affected, I’d be lying if I say I didn’t, but I learned how to handle it and I think it is normal, sometimes I even laugh at the comments. I read it but I don’t really focus on them. I’ve already anticipated that I’ll have bashers even after winning ASNTM. If you decide to be in the public eye, not everyone is going to like you.”

Dagdag pa ng dalaga na sa panahon ngayon, hindi na niya dinadamdam ang mga di magagandang sinasabi ng mga bashers. Natutunan daw niya ang pagkakaroon ng matatag na loob nang pagtulungan siya ng mga kapwa model noong siya ay nasa kumpetisyon pa.

Sinisigurado din nito na mag-i-improve ang kanyang Tagalog speaking skills sa mga susunod na araw.

“What I like to do is I focus on the good comments, especially those that will uplift my spirit. You just have to focus on the positive things. The hate, I just took that as a motivation and I will never let that bring me down. It also pays to surround yourself with positive people and those who truly believe and love you, like your family and friends. Keep a small group of people whom you know and trust deeply. At the end of the day, you turn to people who cared.”

Sa ngayon, nagpapasalamat si Maureen sa once in a lifetime opportunity na maging bahagi ng Eat Bulaga. Ayon dito, gagawin niyang lahat para maging proud sa kanya ang management at ang kanya mga taga suporta.

“After ASNTM, I’ve been traveling around. For once, I’ll be in one place for a long time and I think that is great. I’m excited to explore more my roots and meet people along the way. I also hope that they, the viewers, will also get to know more about me now that I am part of this big family.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..