Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 25, 2018 @ 9:33

Ni: Ronaline Avecilla

Namataan na magkasama sina Vice Ganda at Imee Marcos sa Ozamis City. Nabuo tuloy ang espekulasyon na susuportahan ng komedyante ang tumatakbo sa pagka-senador.

Nagulat ang komedyante sa mga lumabas na isyu kaya agad niya itong nilinaw.

Pagbibiro niya sa Twitter, “So dahil sa picture na to supporter na agad ako ni Imee?! Di pa pwedeng supporter ako nu’ng mamang naka puti dun sa likod?! Lol!”

Hindi raw umano si Imee ang pakay ng komedyante bagkus ay nagkasabay lamang sila sa eroplano at magkasabay na bumaba.

“Ok para sa mga fans ko na nagtatanong. Wala akong pakelam kung anung iteniraryo ni Imee Marcos sa Ozamis nung nakasabay ko sya sa eroplano. Nagpunta ko dun para mang aliw ng mga taga Ozamis City. Di para magendorso ng kahit sinong pulitiko. Di ako endorser ng mga Marcos!,” paglilinaw niya.

Maging ang kasuotan ni Vice habang kasama ni Imee ay naging isyu rin. Nakasuot kasi siya ng Hood, shades at may nakasabit rin sa leeg niya na garland kapareha kay Imee.

Aniya, “At tawang tawa ko sa bakit daw ako balot na balot??? Hahahaha!!! Seriously first time nyo bang nakakita ng naka-hoody at nakashades??? Di pwede??? May dress code ba sa Ozamis City???.”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..