Monday 19th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Oct 28, 2018 @ 12:14

NI: Archie Liao

Wagi ng Jury award ang pelikulang “Bagahe” sa 19th Asiatica Film Festival na ginanap sa Rome, Italy.

Ang “Bagahe” ay naging kalahok sa Cinemalaya Independent Film Festival noong nakaraang taon.

Kuwento ito ng isang Pinay OFW na suspek sa isang krimen pagkatapos matagpuan ang isang fetus sa loob ng isang palikuran ng eroplano.

Dito itinanghal na best actress ang Urian award winning actress na si Angeli Bayani.

Bago rito, nanalo rin ang obrang ito ni Zig Dulay ng best film sa Vesoul Asian Film Festival noong Pebrero na idinaos sa Vesoul, France.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..