Tuesday 11th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 5, 2018 @ 14:12

NI: WALLY PERALTA

AMINADO si Kyline Alcantara na hindi pa siya nagkaka-boyfriend .

Pero malakas naman ang tsika na noong nasa ABS-CBN 2 pa siya ay naging sila umano ng kaedaran niyang si Darren Espanto.

Ayon naman kay Kyline, crush lang daw niya si Darren noong nagsisimula pa lang siya.

Actually, noong pinagsama sila sa kapamilya network ay naging masaya ang young actress dahil nakatrabaho niya ang kanyang hinahangaan.

Naging close sila pero hindi naman daw naging sila. Batang-bata pa raw sila that time, mga trese anyos.

Pagdating naman sa Hollywood , hindi raw nagbabago ang pagkakaroon niya ng crush kay Benedict Cumberbatch. Nakilala ito sa movie ng ‘Avengers’ bilang si Doc Strange, na halos kasing tanda na ng kanyang mga magulang.

Say pa rin ni Kyline, wala pa rin daw siyang naging boyfriend pero may mga nanliligaw. Yun nga lang daw agad-agad din ‘nawawala’ dahil daw siguro sa takot sa kanyang ama na bantay sarado . Lagi kasi niyang kasama ang parents niya sa mga lakad niya.

Kasama si Kyline sa “Studio 7” na mapapanood every Sunday Night sa GMA 7.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..