Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 6, 2018 @ 15:52

NI: ROLDAN CASTRO

Imbitado ang lahat sa espesyal na birthday celebration ng nag-iisang Igan ng bayan ngayong Wednesday night (November 7) saTonight with Arnold Clavio.

May temang golf ang episode na ito dahil isa ito sa paboritong libangan ni Igan Arnold. Pero bukod sa pagiging libangan, golf din ang paraan ng kanyang IGAN Foundation para makatulong sa kapwa gaya na lang ng mga kabataang may sakit na diabetes. Ano kaya ang magiging reaskyon ni Igan kung sorpresahin siya ng mga batang beneficiary ng Igan Cup?

Samantala, mga kalaro naman sa golf ang darating para makakulitan ni Igan. Ano kayang mga kuwento at mensahe ang bitbit nila?

Sasabak sa Friendship Quiz ang kaibigan niyang si Cesar Lacuna at kasamahang radio announcer na si Joel Zobel, habang ang aktor namang si John Estrada ang tatayong game host. Sino kaya sa mga bisitang ito ang may makulay na kwento tungkol sa birthday boy? Saan nga ba takot si Igan? Ano ang kanyang kinaiinisan? Abangan ang mga kasagutan!

Magkakaroon din ng ng mini-golf sa TWAC! At dito, may punishment na kapalit sa bawat pagtira ng golf ball na hindi lulusot sa butas! Ano kaya ito?

Huwag palampasin ang masayang birthday celebration ni Igan sa Tonight With Arnold Clavio ngayong Miyerkules, 10:15 ng gabi sa GMA News TV.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..