Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 6, 2018 @ 13:11

NI: ROLDAN CASTRO

Sa labintatlong taon niya sa showbiz, makailang ulit na rin siyang nagpalit ng screen name. Mula sa Rita Iringan, naging Rita de Guzman at ngayo’y kilala na siya bilang si Rita Daniela. Ngayong Miyerkules (Nov. 7), mas kilalanin pa si Rita sa Tunay na Buhay.

Taong 2005 nang manalo si Rita sa reality singing competition na Popstar Kids. Pagkatapos noon, binuo ang singing group na Sugarpop kung saan nagkasama sila ng Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose.

Tinahak din ni Rita ang pag-arte. Nakabilang siya sa ilang mga teleserye at

kasalukuyang gumaganap sa papel na Aubrey sa family drama series na “My Special Tatay.”

Samahan si Rhea Santos na alamin ang kuwento ng Tunay na Buhay ni Rita Daniela ngayong Miyerkules, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..