Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 7, 2018 @ 16:36

NI: WALLY PERALTA

IBANG klase ang Pambansang Bae na si Alden Richards pag pumatol sa isyu lalo na pag may kinalaman sa kanyang ka-loveteam na si Maine Mendoza.

Habang tumatagal kasi ay paingay nang paingay ang ‘relasyon’ diumano nina Maine at ng Kapamilya actor na si Arjo Atayde.

Lumabas din ang tsikang magkasama sina Arjo , Maine at ilang barkada na nagpunta ng Bali upang mag-celebrate ng birthday ng Kapamilya actor.

Of course, apektado ang AlDub Nation sa tsika . Kinuha naman nila ang side ng kampo ni Alden Richard. Dinaan niya sa isang quote mula kay Warren Buffett.

“You will continue to suffer if you have an emotional reaction to everything that is said to you. true power is sitting back and observing things with logic. True power is restraint .If words control you that means everyone else can control you. Breathe and allow things to pass .”

Ang basa ng netizen sa post ni Alden, isang pasaring ito raw kailangan na lahat ng kanyang maririnig o mababasa ay dapat na patulan. Hindi na rin dapat na magpaapekto sa anumang isyu na magpapabagsak sa isang tao. In short, nais na sabihin ni Alden, anuman ang isyu sa pagitan nina Arjo at Maine ay hindi naman daw dapat na lagi niyang papatulan o sasagutin.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..