Tuesday 11th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 7, 2018 @ 13:05

NI: Ronaline Avecilla

Nagluluksa rin sina Liza Soberano at Enrique Gil sa pagkamatay ng horror and comedy actor na si Nonong de Andres na mas kilala bilang si ‘Bangkay’.

Matatandaan na nakasama ang veteran actor sa teleserye hit na ‘Forevermore’ na pinagbidahan ng LizQuen taong 2014. Kapareha siya sa series ang namayapa na rin na horror and comedy actress na si Lilia Cuntapay.

Sa Instagram ni Liza ay nagpaabot siya ng pagluluksa at hiniling na sana ay nayakap niya man lang aktor sa huling pagkakataon.

Aniya, “Tito Bangky, I wish I could’ve hugged you one last time. May you rest in peace. I love you! We all love you!”

Maging si Enrique na malapit sa aktor ay nagpost din sa kaniyang Instagram.

Aniya, “Paalam tito bangks we lost good one today, goodbye kiss from xander.”

Namayapa ang aktor sa edad na 71.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..