Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 7, 2018 @ 12:48

NI:Ronaline Avecilla

Dagsaan ang nanghihingi ng tulong sa aktres na si Bela Padilla. May isa kasing maswerteng babae na nagkomento sa kanya na nanghingi ng trabaho na binigyan n’ya ng pansin at tinulungan.

Kaya naman dumami ang nanghihingi ng tulong sa aktres sa pag-aakalang mapapansin din sila.

@mynameismara, “Miss @bela die hard fan mo po ako. I am having a financial problem. Working student po ako. Sobra po ako nahirapan ibalanse lahat. Tulungan niyo naman po ako sa studies ko o makahanap po na trabaho na kaya o madali mabalanse sa school ko po. Sa gabi po ako nagwork. Sa umaga po sa school halos wala po pahinga.”

May isa pang maswerteng netizen ang balak niyang tulungan.

“Hi Ms.Bela pwede po ba ako humingi ng tulong para sa anak ko na may Beta Thalassemia. Lifetime po yung gamutan nya. Monthly sya nagba-blood transfusion. Fan na fan mo po kami ng anak ko. Crush ka nya. Kase ang ganda ganda mo daw po, Para ka po daw fairy. Thank you Ms. Bela. Godbless po,” komento ng netizen.

Bagamat dagsa ang nanghihingi ng tulong ay nag-respond ang aktres.

Aniya, “hi, i hope you understand that i cant accommodate everybody kasi ilang years palang po ako nagwowork… i can only help a few at a time… have you tried approaching government agencies?”

Marami pa ang nanghihingi ng tulong sa aktres na hindi naman niya inakala. May isa pa ngang netizen na nagrequest na ipa-rebond at ipa-hair color siya. Nakakaloka!

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..