Friday 16th November 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 9, 2018 @ 11:33

NI: BETH GELENA

NAGSALITA na ang girlfriend ni Arjo Atayde, ang GirlTrends member na si Sammie Rimando na break na sila ng actor.

Mismong sa kanya galing na desisyon nilang dalawa ang maghiwalay para makapag-concentrate sa kani-kanilang career.

Ani Sammie: “It’s for the better naman po. Napagdesisyunan namin na sa ngayon, focus muna ko sa career ko din.” Hindi lang kasi ang pagsasayaw ang pinagkakaabalahan ni Sammie, pinasok na rin niya ang pag-arte.

One year ang pinagsamahan ng dalawa bilang mag-jowa,

Sambit pa niya, okey naman daw ang paghihiwalay nila. Wala naman daw bad na nangyari.

Pero kahit wala na raw sila, may komunikasyon pa rin silang dalawa.”Text, text… kumustahan ganu’n.”

Natanong din ang dalaga hinggil sa pagpasok ni Maine Mendoza sa buhay ng ex-boyfriend.

Lately kasi ay kung saan-saan napagkikita ang dalawa na lagi ngayong magkasama.

Walang binigay na komento ang GirlTrend member. Katunayan, nu’ng nag-celebrate ng birthday ang actor si Maine ang kasama niyang ka-date sa Bali, Indonesia.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..