Tuesday 11th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 9, 2018 @ 13:12

Ni: NONIE V. NICASIO

First movie ni Yayo Aguila ang classic youth oriented movie na Bagets na tinampukan nina Aga Muhlach, Herbert Bautista, William Martinez, at iba pa.

At paglipas ng higit tatlong dekada, aktibo pa rin sa showbiz si Yayo.

Ang latest movie niya ay ang Class of 2018 ng T-Rex Films na palabas na ngayong Nov. 7. Tinatampukan ito nina Nash Aguas, Sharlene San Pedro, CJ Navato, Kristel Fulgar, at Kiray Celis, at mula direksiyon ni Charliebebs Gohetia.

May nag-flashback ba sa kanya sa shooting ng Class of 2018, kasi puro bagets din ang casts nito?

Tugon ni Yayo, “Oo, kasi sa Bagets ang saya-saya din namin habang nagsu-shoot! Brings back memories…

“Sa movie na Class of 2018, I play Selina, mom ni Ada (Sharlene). Naku! Super love ko si Shar! Ang sarap katrabaho kasi very professional at mabait na bata. I’m actually related to her kasi magpinsan kami ni Daddy niya.”

Nagkuwento pa ang still youthful looking actress sa kanilang pelikula. “Class of 2018 is a sci-fi thriller. It has a zombie-feel pero may twist. I honestly like what Direk Bebs has done! Wala pa akong napanood na ganito sa atin. The movie is full of action and suspense. It is amazing how he was able to tell a story flawlessly given a huge cast, pero bawat isang artista niya nag-shine. And ang detalye niya, super-linaw kahit maliliit na eksena lang.

“Nakakatuwa how these kids work. Maayos sila, mahusay and more importantly I see they have utmost respect to Direk Bebs na talagang abot-abot ang hirap sa paggawa nito.

“My special shout out siyempre kay Shar and Nash who I love sooo much. At sa mga bagets, ang galing nilang lahat!”

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..