Sunday 16th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 10, 2018 @ 13:13

NI: ROLDAN CASTRO

KAMANGHA-MANGHA at engrande ang comeback ni Gary Valenciano sa release ng full-length album na Awit At Laro – na isang proyekto na naglalayong i-promote ang mga tradisyunal na mga Pilipinong larong pambata at mga folk songs sa pamamagitan ng biswal na sining at musika.

Halos tatlong taon ang binuno upang malikha at matapos ang Awit At Laro . Ito ang pinakamalaking recording ni Gary at bahagi rin ito ng selebrasyon ng ika-35th na taon ni Mr. Pure Energy sa industriya. Kasabay na rin nito ang bagong buhay na ipinagkaloob sa kanya. Pati na rin ang ika-70th taon ng UNICEF sa Pilipinas.

Pinagsama-sama ng Awit At Laro – sa aspeto ng pagiging isang musical recording project – ang humigit na 70 mga musical artists mula sa mga mang-aawit hanggang sa mga songwriters ,music arrangers at mga musikero . 20 naman sa pinakamahuhusay na visual artists ng bansa ay lumikha ng mga drawings at paintings na kumakatawan sa bawat awitin sa album . Inilathala ito sa isang coffee table song book.

Ang Awit at Laro ay brainchild ni Bambi Manosa-Tanjutco .Nakipagsanib puwersa siya kay Gary at sa Manila Genesis team. Si Gary ay inaanak ng ama ni Bambi – ang Pambansang Alagad Ng Sining na si Architect Bobby Mañosa.

Ang Awit At Laro – ay isang groundbreaking project na talaga namang maituturing na isang game-changer.
Layunin nitong hikayatin ang mga kabataan na ibaba muna ang kanilang mga gadgets upang i-promote ang mga tradisyonal na mga palarong pambata dito sa Pilipinas . Pati na rin ang mga folk songs na kinalakihan ng lahat sa pamamagitan ng visual arts at musika. Ibinigay ng mga musical artists ang kanilang mga song royalties at ibinigay din ng mga visual artists ang malaking bahagi ng pinagbentahan ng kanilang mga likha sa mga benepisyaryo ng proyekto gaya ng UNICEF Philippines, the Shining Light Foundation Inc., Museo Pambata, at Tukod Foundation Inc.

Ang orihinal na konsepto na isang all-Gary V album ay lumaki nang lumaki sa na kinabibilangan ng isang phenomenal cast ng mga musical superstars at mga singing champions, television stars, producers, composers at music arrangers. Ang unang album, ang Awit ay tampok si Jona sa “Bahay Kubo,” produced and arranged with added lyrics by Jungee Marcelo; TNT Boys sa isang Gino Cruz arrangement ng “Sitsiritsit Alibangbang,” at vocal arrangements na gawa ni Mon Faustino; Katrina Velarde sa isang Kid Wolf arrangement ng “Leron Leron Sinta;” Yeng Constantino sa “Paru-Parong Bukid,” na inareglo ni Jack Rufo; Bamboo sa “Magtanim Ay Di Biro;” Lea Salonga sa “Pakitong-kitong,” na siya ring prinodyus ni Jungee Marcelo; isa poduksyon ni Thyro ng “Sarung Banggi” na inawit ni Sam Concepcion; Janella Salvador sa “Atin Cu Pung Singsing,” na gawa nina Theo Martel a Jonathan Manalo; isang Gary V arrangement ng “Nanay Tatay” na ni-record nina Darren Espanto, Gloc 9, at Anne Curtis; at si Gary kasama ang Mandaluyong Children’s Choir sa “Bawat Isa Sa Atin” . Siya rin mismo ang nag-prodyus.

Ang ikalawang album, ang Laro ay kinabibilangan nina Lara kasama ang AMP Band sa “Patintero,” na kinmpose ng National Artist na si Ryan Cayabyab at ni Joey Reyes at inareglo ni Mel Villena; KZ Tandingan sa “Tagu-taguan,” na sinulat ni Mon Espia at Giancarlo Abrahan; Morissette sa “Piko,” na kinompose ni Lara Maigue at inareglo ni Chris “Moophs” Lopez; Joey Ayala sa “Luksong Tinik,” na prinodyus at inareglo din ni Joey kasama si Gary; isang awitin na sinulat ni Ogie Alcasid na pinamagatang “Sipa” at siya din niyang inawit kasama si Gary na prinodyus ni Thyro; isang awitin na sinulat ni Noel Cabangon at inareglo ni Marcus Davis Jr na inawait naman ni Kiana Valenciano at Billy Crawford, ang “Tumbang Preso;” si Bullet Dumas sa self-produced na “Jak En Poy;” Julie Anne San Jose sa “Pitik Bulag,” na isa pang kumposisyon at produksyon ni Jungee Marcelo; AC Bonifacio sa “Touch Move,” na kinompose ni Jim Paredes at prinodyus ni Gab Valenciano; at isang Ebe Dancel anthem na kanyang sinulat para kay Gary, ang “Saranggola” na inargelo ni Jack Rufo. Gumawa din ng adisyunal na vocal arrangments si Mon Faustino para sa “Leron Leron Sinta” at “Patintero.”

Bilang bahagi ng on-going promotion ng Awit At Laro, susugod si Gary at ilan sa mga featured artists ng album sa Ayala Malls sa iba’t-ibang panig ng bansa . Si Paolo Valenciano ang stage director at si James Laforteza ang choreographer para sa featured dancers ng tour, ang Steps Dance Project. Ang unang dalawang legs ng mall show series ay matagumpay na ginanap sa Glorietta kasama si Gary, habang ginanap ang ikalawang leg sa Trinoma. Naluha ang daan daan gmga fans habang pinapanood si Gary V na sumasayaw kasama si Gab Valenciano at tuwang tuwa sila sa exceptional performances nina Jona, Katrina Velarde at Kiana Valenciano at pati na rin ang mga hosts na sina Justin Quirino at Hannah Pangilinan.

Kahapon naman ay nasa Cloverleaf Mall sila.

Nahigitan ni Gary ang expectations ng mga manonood nung sumampa siya sa entablado ng punong-puno ng enerhiya at pinahanga niya ang mga tao sa kanyang napakagandang live rendition ng “Saranggola” at siyempre ang todo Hataw na song and dance number kasama ang anak na si Gab. Ang lahat ay nag-shout for joy at nagsigawan pa for more.
Ngayong Nov. 10 nasa Solenad, Tagaytay sila kasama sina Gary, Yeng Constantino, Lara, Gab Valenciano, at host na si Hannah Pangilinan; Circuit Makati sa Nov. 11 kasama sina Gary, Kiana, Gab, Joey Ayala, at host na si Hannah Pangilinan; Centrio, Cagayan de Oro sa Nov. 14 kasama sina Jona, Gab, RJ de la Fuente Kiana, at Addlib dancers; Bonifacio High Street sa Nov. 15 kasama sina Gary, Jona, Gab, AC Bonifacio, at host na si Janina Vela; Fairview Terraces sa Nov. 16 kasama sina Gary, Jona, Joey Ayala, at host na si Ai dela Cruz; Abreeza Mall Davao sa Nov 17 kasama sina Jona, Daryl Ong, at Katrina Velarde; The 30th sa Nov. 17 kasama sina Gary, Kiana, RJ, at host na si Ai dela Cruz; Sun Vertis North sa Nov. 18 kasama sina Gary, Kiana, Gab, at host na si Donita Rose; UP Town Center sa Nov. 23 kasama sina Gary, Gab, Billy Crawford, Joey Ayala, at host na si Janina Vela; Alabang Town Center sa Nov. 24 kasama sina Gary, Ogie Alcasid, Joey Ayala, at host na si Justin Quirino; Feliz sa Nov. 25 kasama sina Gary, Janella Salvador, Gab, AC, at host na si Donita Rose; Ayala Mall Legaspi sa Nov. 30 kasama sina Gary at Kiana; Marquee Mall sa Dec. 1 kasama sina Donny Pangilinan, Janella, Lara, Kiana, at RJ; Market, Market sa Dec. 2 kasama sina Gary, Janella, Lara, at Joey Ayala; Serin, Tagaytay sa Dec. 8 kasama sina Kiana at RJ; Ayala Mall, Cebu sa Dec. 12 kasama sina Gary at Jona at ang host na si Hannah Pangilinan; Harbor Point sa Olongapo sa Dec. 15 kasama sina Gary, Joey Ayala, Kiana, at RJ; at sa Bacolod sa Dec. 22 kasama sina Gary at Katrina Velarde.

Distribute ng Star Music ang Awit At Laro at available ito para sa live streaming sa Spotify at for download sa iTunes at Amazon Music. Bisitahin ang website na www.awitatlaro.com para sa mga karagdagang detalye at mga kapanapanabik na updates.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..