Monday 17th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 12, 2018 @ 13:00

NI: BETH GELENA

KAGABI sa Gandang Gabi Vice ay guest niya sina Maja Salvador at Zanjoe Marudo.

Dahil ang napag-uusapan ay ang kani-kanilang lovelife kaya naglaro ang tatlo sa pamamagitan ng lie detector.

Malalaman sa machine kung nagsasabi ng totoo sa mga sinasagot. Kapag na-ground ang ibig sabihin ay nagsisinungaling, pero kung totoo walang mararamdamang kuryente na dadaloy sa katawan.

Si Maja ang makulit na nagtatanong kay Vice kung totoo nga bang may relasyon sila ng PBA cager na si Calvin Abueva, ang player sa Phoenix Team.

Naging usap-usapan kasi sa showbiz circle ang pagkakalapit ng dalawa.

Tinanong ni Maja kung love ba ni Vice si Calvin? Biglang nakuryente si Vice nang sumagot si Vice na ‘hindi.’

Ani Vice, “parang nagalit siya. Lahat kami na-ground e.”

Nang inulit ang tanong, ang sagot ng GGV host, “You don’t trust things, you trust feelings.”

Nagpalakpakan ang nasa loob ng GGV studio. Sinabi pa ni Vice na nu’ng tanungin daw siya ni Kuya Boy (Abunda) sa Tonight With Boy Abunda, ay hindi siya napa-amin, pero and lie detector ang nagpa-amin sa kanya.

Samantala, sa isang panayam, inamin naman ni Calvin na masaya siyang nakasasama ang Unkabogable phenomenal star.

Sabagay mukha namang may katotohanan na namamagitan sa dalawa.Kamakailan lang ay nanood si Vice ng game nina Calvin. Nagbiro pa nga si Vhong Navarro sa “It’s Showtime” kung manonood siya ng game nila Calvin. Sagot naman niya “OO,manonood ako.”

Eh, that night (Friday) may show si Vice sa Laffline. Before siyang mag-show ay inuna muna niyang manood ng game nina Calvin para suportahan ang PBA cager.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..