Monday 17th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 21, 2018 @ 22:50

NI: ROLDAN CASTRO

Inihahandog ng GMA Heart of Asia ang isa sa pinakasinubaybayang Lakorns sa Thailand na pinamagatang ‘Waves of Life’, simula Nobyembre 26.

Tinatalakay ng orihinal na Thai serye na ang buhay ay higit pa sa sakit at paghihirap. Itinatampok nito ang kwento nina Gina (Urassaya Sperbund), isang masipag at sikat na modelo at aktres; Alvin (Prin Suparat), isang abogado na namatayan ng fiancée dahil sa aksidente; Nica (Toey Jarinporn Joonkiat), ang kapatid ni Alvin na may suspetyang nambababae ang kanyang asawa; at Lance (Louis Scott), ang asawa ni Nica at bestfriend ni Gina.

Sa likod ng masayahing personalidad ni Gina ay isang madilim na nakaraang walang nakakaalam. Isang araw, binalak ng kanyang stepfather na halayin si Gina, subalit nakatakas ang dalaga. Sa kanyang pagtakas ay nakabangga siya ng isang babae sa kalsada na ikinamatay nito. Pinilit ng mga taong malapit kay Gina na pagtakpan ang pangyayari. Ngunit ang fiancée ng biktima na si Alvin, na isang abogado, ay naghinalang si Gina ang nakabangga sa kanya. Dahil dito, gagawin niya ang lahat upang mailabas ang katotohanan.

Sa kanyang pagkamit ng hustisya, matuklasan kaya ni Alvin ang katotohanan sa pagkamatay ng kanyang fiancée o matatagpuan niya ang isang bagay na mas mahalaga kaysa sa paghihiganti?

Alamin yan sa pinakabagong Lakorn na Waves of Life, simula Lunes, 10:05pm sa GMA Telebabad.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..