Monday 17th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Dec 2, 2018 @ 22:01

NI: Archie Liao

Ayon kay Alex Gonzaga, napatawad na niya ang KathNiel fan na nambash sa kanya.

Nag-ugat kasi ang isyu noong kasagsagang iprinopromote niya ang kanyang launching movie noon kung saan nag-react ang isang basher at sinabing nangagamoy flopsina sa takilya ang kanyang pelikula, na kanya namang kinontra.

Hirit pa ni Alex, tanging Diyos lamang daw ang nakakaalam ng puwedeng mangyari sa isang tao kaya hindi dapat pinangungunahan.

Dagdag pa niya, ayaw raw niyang mag-invite ng negativity sa kanyang buhay dahil siya man ay hindi nagwi-wish nang masama sa kanyang kapuwa.

Bida si Alex sa MMFF entry na “Mary, Marry Me” kung saan kabituin niya sina Toni Gonzaga at Sam Milby.

Bukod sa pagiging actress, isa ring book author si Alex na masasabing authority pagdating sa mga hugot lines.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..