Monday 17th December 2018
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Dec 6, 2018 @ 12:36

NI: Ronaline Avecilla

Hindi talaga paaawat si Mystica dahil kamakailan ay nanawagan siya kay Raffy Tulfo upang tulungan siya na magsampa ng kaso sa taong nanloko sa kaniya.

Sa pamamagitan ng Facebook Live ay muli na naman siyang nanawagan habang humahagulgol. Bukod sa reklamo niya sa nanloko ay umaapela rin siya ng tulong sa mga taga-showbiz na mabuhay muli ang nanlalatang career.

Aniya sa Facebook Live habang umiiyak, “Katulad po ng ginawa ni Coco Martin, may isa po uli na maaawa sakin para maibalik ako sa industriya ng showbiz dahil yun po ang career na pinuhunan ko … at bakit niyo ipagkait sa akin yon.”

Matatandaan na matapos ang kaniyang role sa “Ang Probinsyano” ay nanawagan siya kay Michael V at nang hindi pansinin ay si Dingdong Dantes naman ang hiningan niya ng tulong.

Dahil rito ay binash siya at niloko umano ni Andrew Olivar na sumikat dahil sa viral na “Pepederalismo” nila ni Mocha at ng Duterte supporter na si Niño Barzaga.

Ani Mystica sa kaniyang panayam kay Raffy Tulfo, ““Dahil ipiniframe-up po ako kasama ni Niño Barzaga, nagpanggap po sila na booker para makuha ang number ko para i-live po ako.”

Ginawang katatawanan umano ang aktres ni Niño matapos magpanggap na magbo-book ng hosting para sa kaniya sa darating na December 14 kapalit ng P130k na halaga. Walang kaalam-alam ang aktres na habang kausap niya umano si Niño ay naka-FB live ang pag-uusap nila.

Nais ng aktres na magsampa ng kaso sa mga naglaro umano sa kaniya.

Pero ‘di kumbinsido si Tulfo kay Mystica at papayag lamang na tulungan siya sa oras na mag-negatibo ang drug test na ipapagawa sa kaniya.

Pumayag naman ang aktres sa hiling ni Tulfo at agaran siyang dinala sa Camp Crame. Sa ngayon ay ‘di pa ibinubunyag ang resulta ng nasabing drug test.

Samantala, bukas ang panig ng Newsko sa akusasyon ni Mystica kina Andrew Olivar at Niño Barzaga.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2018 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..