Friday 3rd July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 14, 2015 @ 7:50
Sharing is Caring!

Video courtesy of: Robin Padilla

Why, why? I don’t understand.”
Ito ang sambit ng TV host na si Marie Rodirguez na hindi makapaniwala na nawala na ang ipinagbubuntis niyang triplets nila ng aktor na si Robin Padilla.

Sa video na kuha mismo ni Robin nang magkaroon ng check-up si Mariel kung saan sinabi ng doktor na wala nang heartbeat ang triplets, sinabi ng TV host na hindi niya maintindihan kung bakit nawala ang kaniyang ipinagbubuntis.

Kitang-kita sa video ang panghihinayang at pag-iyak ni Rodriguez nang malamang muli siyang nagkaroon ng miscarriage.

Sa statement naman na inilabas ng management agency ni Robin, humiling ito ng dasal at privacy para sa mag-asawa sa gitna ng pinagdadaanan ng mga ito

“It is with such a heavy heart that we are informing you that Ms. Mariel has suffered a miscarriage on August 12, 2015 at 6:30 p.m. and the couple have lost the triplet pregnancy,” sabi ni Betchay Vidanes manager ni Robin.

“On behalf of the couple we would like to ask for your prayers and utmost consideration for the couple’s privacy and comfort,” dagdag pa nito.

Ito na ang pangalawang beses na nakunan si Rodriguez. Noong Abril ng taong kasalukuyan, nagkaroon din ng miscarriage ang TV host sa sana ay panganay nila ni Padilla.
(Inquirer)

 

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..