Thursday 2nd July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 15, 2015 @ 0:47
Sharing is Caring!

0815china

Umaabot sa 4,000 katao kada araw ang namamatay sa China dahil sa maruming hangin o air pollution batay sa ginawang pag-aaral ng Estados Unidos.

Ito ay kung pagbabatayan ang ula ng Physicist sa University of California Berkeley na nagsasabing kabuuang 1.6 milyong katao ang namamatay sa China kada taon dahil sa heart, lung at stroke problems dulot ng malalang air pollution.

Batay sa report, isinisisi sa mga emissions mula sa coal na ginagamit na panggatong sa electricity production at heater sa bahay ang sanhi ng malalang air pollution sa China.

Sinabi ni Robert Rohde, lead author ng pag-aaral sa US, na 38 percent ng Chinese population ay nabubuhay sa lugar na matindi ang air pollution at itinuturing na unhealthy ayon sa US Environmental Protection Agency.

Sa pagkukumpara, sinasabing mas grabe ang haze particle sa China kaysa sa Amerika at lumalala ang air polution stuwing winter season dahil sa paggamit ng coal bilang heater sa mga tahanan. (Viktor Terre)

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..