Tuesday 7th July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 17, 2015 @ 0:03
Sharing is Caring!

Umabot na sa 82 ang napaulat na namatay sa isinagawang airstrikes ng Syrian government forces sa Douma, isang lugar sa Syria na hawak umano ng mga rebeldeng grupo.

Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights at aid groups, 250 katao na ang sugatan at kasalukuyang ginagamot dahil sa natamong sugat sa airstrike.

Sinabi ni Abdullah al-Shami, isang media activist na walang kakayahan ang kanilang grupo na ilipat ang ilang biktima sa mga pagamutan.

Marami umanong bangkay ang nagkalat sa mga kalsada at karamihan sa mga biktima ay duguan habang hinihintay na malapatan ng paunang lunas.

“In some places there was not enough capabilities to transfer the victims. It was very painful to see dead human bodies just left on the sidewalk,” sabi ni al-Shami.

“Scores of injured were bleeding while waiting their turn to get treatment,” dagdag pa nito.

Sabi pa sa report, magkakasunod na airstrikes ang isinagawa ng Syrian forces sa local vegetable market sa Douma na umano’y kuta ng rebel group Islam Army.

 

(CNN)

 

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..