Wednesday 8th July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 18, 2015 @ 23:41
Sharing is Caring!

aldub_newsko

 

Dahil sa tinatamasang kasikatan ng AlDub, aminado si Alden Richard na tumaas na ang talent fee nito.

“Opo!” ang tumatawa pero buong katapatang sagot ni Alden ng tanuning ng mga media kung tumaas na ang talent fee nito.

Sabi pa ng actor, ang tagumpay na tinatama niya ngayon sa showbiz ay pangarap daw ng ina niya para sa kanya.

Subalit ng nakakalungkot lang aniya ay wala na ang kanyang ina bago pa man siya sumikat nang husto.

“Kasi po since nag-start naman po ako, wala naman po akong ibang inisip kundi mapabuti ang lagay ng pamilya ko and makatulong po ako sa kanila in all possible ways—morally, financially…
“Tsaka yung dream ng mom ko nga po na maging artista, ganyan, hindi po nawala sa akin yun.

“And every day, every day po, every after ng trabaho, kinakausap ko siya, ‘Ma, I hope you’ll happy.’
“Sayang, hindi man lang po niya naabutan talaga,” saad ni Alden.

(PEP)

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..