Friday 3rd July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 18, 2015 @ 1:50
Sharing is Caring!

 

Sa loob lamang ng 50 taon ay nagawang angkinin ng kalikasan ang isang bayan sa China matapos itong abandonahin ng mga residente.

Animo’y naging isang dambuhalang hardin ang bayan ng Houtou Wan dahil binalot ng lumot at halaman ang mga bahay at iba pang gusali doon.

Ang Houtou Wan ay isang isla sa ilog ng Yangtze na dating bayan ng mga mangingisda bago ito iniwan ng mga residente nang maubos ang mga isdang siya nilang pinagkukunan ng ikinabubuhay at pang-ulam.

Nagkulay luntian na ang buong paligid ng Houtou Wan at dahil dito ay dinadayo na ito ng mga turista.

Marami kasi ang namamangha sa itsura ng mga abandonadong bahay na parang kinubkob  ng kalikasan dahil nababalot ang mga ito  ng lumot at mga halaman.

May ilang dating residente ng Houtou Wan ang nagbalik sa kanilang dating bahay tulad ng 59 anyos na si Sun Ayue na nagtitiis manirahan sa kanyang dating tahanan kahit walang tubig at kuryente para magbenta sa mga turista para kumita ng pera.

 

(Viktor Terre)

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..