Wednesday 1st July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 18, 2015 @ 23:49
Sharing is Caring!

Victor Deona_newsko

 

Nakumpiska ng pulisya ang tinatayang P1.2 milyong halaga ng mga fake seasoning products sa isinagawang raid sa limang bodega sa Barangay Sta. Ana at Barrio Obrero, Davao City.

Sinabi ni Chief Supt. Victor Deona, pinuno ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na isinagawa ang operasyon batay sa reklamo ng mga lehitimong may-ari ng mga kilalang seasoning products.

Ayon kay Chief Supt. Deona, nakumpiska ng kanyang mga tauhan ang 413,280 piraso ng mga fake seasoning products at hindi ito ang unang pagkakataon.

Inihayag pa ng opisyal na nadiskubre din ng kanyang tanggapan ang ibang modus operandi ng mga sindikato ng repackaging ng popular brand ng detergent sa ibang bahagi ng Mindanao.

( Viktor Terre)

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..