Tuesday 7th July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 19, 2015 @ 10:41
Sharing is Caring!

11912944_1125236307490826_1357400065_n
Unti-unti na nakakarekober ang Ginebra forward na si Japeth Aguilar mula sa injury matapos ang isinagawang surgey sa kanya para ayusin ang nabali daliri nito sa kanyang kaliwang kamay.

Sa report ng PBA.ph, balik praktis na si Aguilar, isang buwan matapos ang surgery.

“Nilalaro ko pa rin siya, pero alam ko naman kung sumasakit. Iniingatan ko pa rin, kahit medyo rigorous ‘yung training namin,” sabi ni Aguilar.

Aniya, matagal na niyang iniinda ang kanyang injury sapul pa noong 2013 at natutuwang naoperahan na ito.

“Mas gusto ko siya ngayon kasi ‘yung ligament, intact na, stable na,” sabi ni Aguilar.

Nauna nang nag-back-out si Aguilar sa Gilas Pilipinas national basketball team sa 2015 FIBA Asia Championship dahil sa kanyang inury.

Gayunpaman, umasa ang high-flying forward na makakasama pa rin siya sa national team sa hinaharap.

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..