Tuesday 7th July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 19, 2015 @ 0:39
Sharing is Caring!

motorcycle magazine _newsko

Inilunsad ng Pinay publisher na si Ley Pascual ang nag-iisa at kauna-unahang motorcycles and riders magazine sa Middle East na pinamagatang Desert Riders Magazine.

Laman ng Magazine ang mga aktibidad at kuwento ng mga motorcycle riders sa Qatar at sa buong Gulf region kasama ang Bahrain, Kuwait at United Arab Emirates, gayundin ,isinama ang mga artikulo tungkol sa mga Pinoy motorcycle riders.

Sinabi ni Pascual kay Philippine Ambassador to Qatar Wilfredo Santos na ang kanyang grupo ay nagplaplanong mag-organisa ng international rally sa Pilipinas na tatawaging Discover Philippines na bubuuin ng foreign at local motorcycle clubs.

Ayon kay Pascual, layunin ng events na ipakita ang mga tourist spot sa Pilipinas kaugnay ng programa ng Department of Tourism (DOT) na Visit the Philippines 2015.

(Viktor Terre)

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..