Friday 3rd July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 21, 2015 @ 10:57
Sharing is Caring!

landslide_newsko
Patay ang dalawang magkapatid matapos silang matabunan ng lupa sa Takayan, Gambang, Bakun, Benguet, kaninang alas-4:00 ng madaling araw.

Kinilala ng mga otoridad ang mga ito na sina Erwin Celo, 26-anyos, may asawa, at si Markim Celo, 21-anyos, at parehong residente ng Itogon, Benguet.

Ayon kay Pol. S/Insp. Thrislyn Sagpa-ey, chief of police ng Bakun MPS, nasa loob ng kanilang tent sa gilid ng kalsada ang magkapatid nang biglang gumuho ang lupa mula sa bundok na malapit lamang sa kinaroroonan ng mga ito.

Kasama umano ang magkapatid sa mga gumagawa ng road widening sa naturang lugar.

Samantala, nasa mabuti nang kalagayan ang taxi driver at pasahero nito matapos mabagsakan ng poste ng kuryente ang naturang taxi kaninang madaling araw.

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..