Thursday 2nd July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 21, 2015 @ 3:24
Sharing is Caring!

gold_newsko

Isang treasure hunter sa Florida ang nakatagpo ng 350 pirasong gold coins na nagkakahalaga ng $4.5 million.

Sinabi ng treasure hunter na si Brent Brisben na nagmula sa lumubog na lumang barko ng Spain 18th century ang kanyang natagpuang kayamanan sa mababaw na bahagi lamang ng dagat.

Siyam sa gold coins ay pag-aari ni King Philip V ng Spain at nagkakahalaga ito ng $300,000 kada piraso.

Batay sa batas na umiiral sa Florida, 20 percent ng halaga ng natagpuang kayaman ay kukunin ng gobyerno.

(Viktor Terre)

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..