Thursday 2nd July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 22, 2015 @ 1:53
Sharing is Caring!

rab
Apat na katao kabilang ang dalawang batang magkapatid ang sugatan matapos pagkakagatin ng isang isang naulol na aso sa Brgy. Agmailig, Libacao, Aklan.

Nakilala ang mga biktima na sina Renz Valencia, 12, at Mary Joy Valencia, 10, gayundin ang kanilang tiyahin na si Mylene Villorente, 38 at Danny Zoleta, 48, isang magsasaka at pawang mga residente ng naturang lugar.
Dinala ang mga biktima sa Aklan Provincial Hospital upang masuring mabuti ang kanilang kalagayan at maturukan ng anti-tetanus at anti-rabies.

Sa salaysay ng mga biktima, habang pauwi sa kanilang barangay mula sa Hilwan, Tapaz, Capiz dala ang kanilang kalabaw ng makasalubong ng magkapatid ang malaki umanong asong ulol na kulay brown na kaagad na sumalakay at kumagat sa kanila.

Unang nakagat sa kaliwang braso si Joy na kaagad na naka-akyat ng puno sa tulong ng kanyang kuya.
Matapos nito ay sunod na sinalakay si Renz kung saan ito ang napuruhan at kinagat ang kanyang kanang braso na halos matanggal na ang laman gayundin sa kanyang pisngi, dibdib at likod.

Nang makita umano ng kanilang tiyahin ang paglapa sa kanyang pamangkin at tinaga niya ang aso ng tatlong beses ngunit hindi ito tinablan dahilan na tinangka siyang sakmalin sa leeg ngunit naharang niya ito ng kanyang kaliwang kamay.

Samantala, naglalakad naman pauwi sa kanyang bahay ang magsasakang si Zoleta ng makasalubong ang asong ulol na namumula umano ang mga mata at naglalaway at kaagad na kinagat ang kanyang kaliwang braso.

Nagkataon na may dala itong espadang dahilan na tinadtad ng taga ang aso sa ulo at nahati ito sa dalawa.

Napag-alaman na nilapa rin ng naturang asong ulol ang iba pang aso sa kanilang barangay at iba pang alagang hayop tulad ng kambing dahilan ng pagkamatay ng mga ito. (Bombo Radyo)

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..