Thursday 2nd July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Aug 25, 2015 @ 11:11
Sharing is Caring!

newsko4
May ‘k’ naman kasi ang ‘Eat Bulaga’ na magign proud!

Kaya nga ang isa sa mga host ng GMA7 noontime show na ‘Eat Bulaga’ na si Joey de Leon ay ipinagmalaki ang bonggang bonggang angat nila sa ratings over “It’s Showtime!”. Say pa ni Joey, hindi raw siya mahilig sa pie, pero kung ang pie chart ng ratings nila ang pagkain ay forever na niya raw ito magiging bet!

Sobrang saya sa galak nga naman ang mafi-feel ng kahit na sino kung ganito ang naabot na ratings ng show na itinaguyod ninyo 36 years ago.

Umabot lang naman ito ng 39% na pinakamataas na ratings ng ‘Eat Bulaga’ this year. Samantalang ang katapat nitong ‘It’s Showtime’ ng ABS-CBN ay naka-11.4% lang.

Obviously, tumutok ang buong bayan sa Yakie Wedding nitong Saturday, kung saan nagmistulang Manny Pacquiao fight ang ‘Kalye Serye’ ng EB dahil sa linis ng kalsada at mga nagsaradong tindahan noong mga oras na ‘yun.

Dagdag pang pang-aasar ni Joey: “Sa mga konti lang ang nakain sa PEP-zza pie kasi naman hindi kayo EAT nang EAT.”

Kabog!

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..