Wednesday 1st July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Sep 1, 2015 @ 23:39
Sharing is Caring!

social

Napakabuti talaga ng puso ni Yaya Dub.

Kahit pa maituturing na mortal na magkalaban sila ni Kathryn Bernardo pagdating sa fandom at sa kasikatan sa Twitter ay ipinagtanggol pa rin ni Maine Mendoza ang Teen Queen mula sa pamba-bash ng kanyang tagahanga.

Considering na taga-kabilang network pa si Kathryn niyan, ha!

Isang parody account kasi ni Bimby Aquino-Yap ang nagpost na nagkukumpara sa Kapamilya teen actress sa ‘Kalye serye’ star ng Eat Bulaga na si Yaya Dub. Papuri ng basher: maganda raw ang legs ni Maine, hindi katulad ng kay Kath na sakang at maikukumpara pa sa isang pliers.

Matapang na reply ni Maine sa basher: “kung hindi maayos ang sasabihin sa kapwa mas mabuti pang wag na magsalita.” “Make love, not war!,” dagdag pa niya.

Naikukumpara ng mga fans si Maine kay Kathryn Bernardo dahil dalawa sila sa members ng mga pinakasikat na loveteams sa kasalukuyan: ang KathNiel at AlDub.

Ang mga ganitong pang-babash ay bahagi na ng fanwar na ginagawa madalas ng kanya-kanyang tagahanga.

Pero si Yaya Dub, shine-shake it off na lang ang ganitong mga KSP na comments!

Iba ‘toh!

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..