Thursday 17th January 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Jan 17, 2018 @ 13:34

Hay naku, eto ang nakakalokang eksena ng isang medyo may edad na aktres na kilala sa showbiz na may malaking bumpers at ng isang malasadong ex-showbiz personality na nakulong dahil sa kasong droga.

Itago na lang natin sa inisyal na DS ang aktres na ngayon ay 58 years old na raw.

Yung actor? Well, dating matinee actor pero dahil sa bisyong droga ay nagkaloko-loko ang career.

Ganito ang eksena ayon sa kuwento ng isang reliable source. Isang gabi raw ay nagre-relax sa bahay ang matandang aktres habang hawak ang kanyang cellphone. Maya-maya ay bigla raw nag-text ang malasadong actor.

Sabi sa text ay baka raw pwedeng ipa-video shot ang malalaking boobs ni aktres na matagal nang pinagnanasaan ng actor. Dagdag pa ay pasensiya na raw ang aktres. Nagti-trip lang daw siya dahil nga nakatira ng shabu.

Naloka ang aktres! Nakakulong ngayon ang addict na actor pero bakit nagawa nitong mag-text?

At bakit inamin nito nan aka-droga siya samantalang nasa loob nga ng kulungan. Meron dun shabu?

Yun na! Eh dahil kilala ng aktres ang pamilya ng actor, sinabihan na lang ito na tigilan siya at kung hindi ay isusumbong ito sa asawa!

Bongga nga kasi ang dibdib ng aktres. Kahit may edad na ito ay talagang malulusog pa rin at punung-puno! Kaya naman hindi lang talaga ang actor ang nagnanasa kundi ang mga DOM din! Hahahah! (Joshue Marinas)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..