Thursday 17th January 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Jan 25, 2018 @ 16:04

By JOSHUE MARINAS

Sino na naman ang nag-u-umarteng big star na ito na magiging dahilan pa yata para hindi matuloy ang isang malaking film project?

Nagka-usap-usap daw uli kahapon (January 24) ang casts ng movie project na ito at karamihan sa kanila ay gusto nang umpisahan ang shooting.

Pero dahil sa kaartehan ng isang male lead actor ay hindi pa nga muna mapu-push through.

May problema raw sa billing ang lead actor na ito. Gusto niya na siya ang una ang billing ng pangalan!

Naku huh! Hindi lang siya ang malaking bituin sa pelikulang ito.

Nandiyan si Richard Gomez, Aga Muhlach, Gabby Concepcion, Albert Martinez, Cesar Montano, Piolo Pascual, William Marinez, Arjo Atayde at ang megastar Sharon Cuneta.

At isa sa nga sa mga ito ‘yung nag-uumarteng aktor. Siyempre, hindi si Sharon dahil aktor nga yung blind item natin. Lalaki. Hulaan nyo kung sino sa kanila.

May letter B sa first name at letter I sa apelyido. Hahaha!

Bongga sana dahil karamihan sa casts ay naging leading men ni Sharon kaya’t siguradong aabangan ito ng fans ng Megastar.

Main producer dito si Negros Occidental Rep. Albee Benitez na may working title na “Squad Gold.” Mala-Oceans 11 daw ang dating nito na hit movie noon sa Holywood.

Sabi pa, halos lahat ng artistang kasali ay producers din dito kaya’t sabik na silang simulan ito.

Nakapag-meeting na sila noong una at okey naman daw ang kinahinatnan ng pagpupulong. Nagkasundo na sa primahan ng kontrata. Pero biglang nagkaroon nga aberya dahil sa kaartehan ng dalawang big stars.

Kamakailan ay umokey na yung isa pero ito ngang isang sikat na aktor na medyo pogi pa rin ay talagang matigas ang ulo.

Ayaw talaga siyang makipagkasundo sa billing!

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..