Thursday 17th January 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Mar 27, 2018 @ 15:56

By JOSHUE MARINAS

Gusto nang hiwalayan ng girl ang kanyang newbie actor na boyfriend dahil mas prioritize daw nito ang jowa na isang mayaman at sikat na bading.

Ayaw naman magtalbog ng bakla. Feel niya ay may korona siya sa ulo kaya’t kahit alam na may girlfriend na ang kanyang boy ay itinutuloy pa rin ang relasyon.

Sige pa rin daw ang padala nito ng mamahaling regalo sa boyfie na cute na cute lalo na kapag ngumingiti

Kasi nga naman, ampogi-pogi talaga nitong boylet actor na ito kahit nagpagupit pa ng maikling buhok. Tinitilian talaga ng fans kahit saan magpunta.

Ang boylet naman, ok din sa kanya na jowa siya nitong rich and famous bading dahil nagbe-benefit ang kanyang career. Tuluy-tuloy ang kasikatan niya dahil nga hindi niya pinababayaan ng sikat na sikat na baklita.

Ang problema nga lang ngayon, parang gusto nang hiwalayan ng babae na newcomer din sa showbiz ang kanyang boyfriend kung hindi pa ito titigil sa pakikipagrelasyon sa bading.

Bongga ang love triangle nila huh!

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..