Saturday 19th January 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Nov 16, 2018 @ 19:59

NI: Ronaline Avecilla

Marami ang naghihinala na may namamagitan sa aktres na si Bianca Umali at sa aktor na si Ruru Madrid. Napapadalas kasi na nakikitang magkasama ang dalawa.

Nito nga lang Oktubre ay namataan sila na magkasama sa isang Restobar sa Nagoya, Japan. Hindi lang ‘yan dahil spotted na naman silang dalawa na magkasama na nagbakasyon sa isang white sand beach sa Platil, Siargao Island.

Enjoy pa nga raw ang dalawa sa kanilang island hopping at surfing lesson. Senyales kaya ito na may namamagitan na sa dalawa.Ayon pa sa isang Entertainment Portal, mayroon din umanong matching tattoos at matching crescent moon ang dalawa.

Malakas ang kutob ng mga fan at naghihintay sa pag-amin nila. Nalungkot naman ang BiGuel fans sa takot na mabuwag ang Bianca-Miguel loveteam.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..