Saturday 19th January 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Jan 12, 2019 @ 14:23

NI: ROLDAN CASTRO

Matutunghayan ng mga manonood sa Batch 2 ng “PBB Otso” ang sari’t-saring kwento ng buhay—emosyonal at kawili-wili—mula sa walong adult housemates ni Kuya na pumasok na sa PBB house noong Martes (Enero 8)—kasama na ang maaaring pagtatagpo ng magkapatid na hindi kilala ang isa’t-isa, at ang love story ng isang transgender woman at lesbian na nagbunga ng sariling anak.

Isa sa mga bagong housemate ni Kuya si Apey, ang Binibining Daldal ng Gensan. Lumaki siya sa piling ng kanyang lolo at lola dahil hindi niya nakasama ang kanyang mga magulang. Lingid sa kaalaman ni Apey, mayroon siyang kapatid sa ama na isa namang star dreamer, si Mark, ang Incredible Itay ng Compostela Valley. Magkakaroon kaya ng pagkakataong magkrus ang landas ng dalawa sa kanilang pamamalagi sa bahay ni Kuya at sa camp?

Nakaka-wow naman ang kwento ng pagmamahalan ni Mitch Talao, ang Trans Mama ng Lucena at ng kanyang partner na lesbian. Dahil sa kanilang matinding kagustuhang magkaanak ay nagawan nila ng paraan para mangyari ito at biniyayaan sila ng isang baby boy para makumpleto ang kanilang ‘modern family.’

Bagama’t dayuhan ang Konichi-Wonder Vlogger ng Japan na si Fumiya Sankai, Pilipino naman daw siya sa kanyang puso. 2017 nang magpunta si Fumiya sa bansa at napamahal na ito at ang mga Pinoy sa kanya.

Ang katuparan naman ng mga pangarap para sa sarili at sa kanilang mga pamilya ang nais makamit nina Lou Yanong, ang Rampa Sister ng Mandaluyong, Yamyam Gucong, ang Iskulit Bai ng Bohol, at Abi Kassem, ang Kolehiyala Cutie ng Isabela sa kanilang pagpupursige at pagpasok sa bahay ni Kuya.

Samantala, nais namang patunayan nina Andre Brouillette, ang Amazing Alo-Hunk ng Hawaii, at Wakim Regalado, ang Gifted Go-Getter ng Iloilo, na kaya nilang harapin ang anumang hamon sa buhay kung kaya’t nakipagsapalaran sila para maging housemate.

Tumutok sa “PBB Otso” para masubaybayan ang mga kakaibang kwento ng mga housemates sa loob ng bahay ni Kuya.

Panoorin ang “PBB Otso,” gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, pagkatapos ng “Halik,” tuwing Sabado pagkatapos ng “Home Sweetie Home,” at tuwing Linggo pagkatapos ng “Wansapanataym.” Mapapanood din ang “PBB Otso Gold” sa Kapamilya Gold pagkatapos ng “Los Bastardos.” Maaari namang subaybayan ang “Camp Star Hunt” at ang livestream ng “PBB Otso” sa iWant.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..