Thursday 20th June 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Jun 10, 2019 @ 19:00

“Single but not lonely” ang buhay ng tinaguriang Concert Queen na si Pops Fernandez.

Sa isang panayam, kinwento ni Fernandez na sanay na siyang mag-isa dahil nandyan naman ang mga anak at kaibigan.

“I think it’s very easy, lalung-lalo na du’n sa mga single women na matagal nang naging single. Maiintindihan nila na, after a while, parang you get used to be by yourself,” ayon sa singer.

Matatandaang mula nang maghiwalay sina Fernandez at Jomari Yllana noong 2009 ay wala nang napabalitang nakarelasyon ang singer.

Gayunpaman, nilinaw naman nito na hindi siya malungkot at sa katunayan ay mas gusto pa niyang ang pagiging single.

“I get to do what I want to do at my time. And then, I get to work at my time. I like it better. Walang pressure,” paliwanag ng 52-anyos na singer.

Bagama’t hindi isinasarado ng “Bakit Ngayon Ka Lang?” hitmaker ang posibilidad na pumasok muli sa isang relasyon, inamin ni Pops na hindi niya ito priority sa ngayon.

“Although, if the right one comes along, I don’t mind. But again, it’s not my priority,” aniya.

“I’m still fairy-tale believer na kung mangyayari ‘yun, mami-meet ko lang siya and I don’t really go out of my way to look for him,” dagdag pa ni Fernandez. (Monique Ocampo)

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..