Tuesday 16th July 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Jun 20, 2019 @ 9:09

By Monique Ocampo

Nagkaroon ng “minimal brain activity” ang beteranong aktor na si Eddie Garcia base sa bagong medical bulletin na inilabas ng Makati Medical Center o MMC.

Ayon sa doktor nitong si Dr. Regina Macalintal-Canlas, sumailalim si Garcia sa Electroencephalogram o EEG test para makita ang electrical activity ng utak ni Manoy.

“His latest electroencephalogram (EEG) study showed minimal brain activity,” ayon kay Dr. Canlas.

Bagama’t malaking progress ito sa kalagayan ng 90-anyos na aktor, nananatili pa ring kritikal ang kondisyon ni Manoy at nakadepende pa rin ang kanyang paghinga sa ventilator.

Patuloy rin ang medikasyon ni Garcia para suportahan ang blood pressure nito.

Matatandaan ring inabisuhan na ng doktor ang pamilya ni Manoy na limitahan ang pagtanggap ng bisita para sa aktor para maiwasan anila ang anumang kumplikasyon.

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..