Monday 22nd July 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Jul 12, 2019 @ 14:19

NI: ROLDAN CASTRO

Malaki ang pasasalamat ni Gelo Alagban sa kanyang management na 316 Events and Talent Management ni Madam Len Carillo. Bagamat na-eliminate na siya sa StarStruck todo ang suportang ibinigay sa kanya. Mula sa umpisa ng kanyang career hanggang ngayon ay inaalagaan at binabantayan pa rin sila ng 316.

“Sobrang thankful po ako sa kanila, pati sa Clique V kasi binigyan po nila ako ng pamilya ,” deklara niya.

Taga-Iloilo kasi si Gelo at kapatid niya ang kasama sa Maynila.

Kabilang din siya sa all male group na Clique V pero posibleng magkaroon ng solong career sa Kapuso network. ‘Yung mapasama si Gelo sa Clique V at Final 14 ng StarStruck ay malaking achievement na para sa kanya.

Sino ang showbiz crush niya?
“Si Kyline Alcantara,” diretso niyang sagot.

Bakit si Kyline?

“Kasi sa sobrang expressive ng mukha niya, sobrang cute niya po,” pakli ng bagets.

Wish din niya na makaeksena sa mga darating na proyekto si Kyline
Sa ngayon sinusuportahan ni Gelo ang kapwa-Clique V na si Karl Aquino na patuloy na lumalaban sa Starstruck.

Iboto raw ito sa text type STARSTRUCK (space) KARL then send to 4627. (5x per sim po)

Sa online naman just click www.GMAnetwork.com/starstruckvote then click nyo po yung name na “ KARL “ (5x per account).

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..