Monday 22nd July 2019
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
Jul 13, 2019 @ 19:20

NI: ROLDAN CASTRO

Game na game sina Alden Richards at Kathryn Bernardo sa photobooth challenge sa kanilang guesting sa longest-running morning show na Unang Hirit nitong Biyernes.

Ikinatuwa ng mga netizen at supporter ang chemistry nina Alden at Kathryn na hindi kakikitaan ng ano mang ilangan o hiyaan.

Sa kanila ngang photobooth challenge, walang hesitation ang dalawa sa pagpo-pose mapa-comedy, romance or horror man.

Dahil galing sa magkabilang networks at first time magkatrabaho, natanong ang dalawa kung ano ang first impression nila sa isa’t isa.

“First impression ko kay Alden, very matured,” sabi ni Kathryn.

“Kay Kath naman, before akala ko mahirap siyang kausapin, parang isang tanong, isang sagot,” sabi naman ni Alden.

Hindi na talaga magkamayaw ang mga fans na mapanood ang “Hello, Love, Goodbye” ngayong July 31 na sa mga sinehan!

Sharing is caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2019 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..