Sunday 5th July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
May 5, 2020 @ 16:33
Sharing is Caring!

Dahil sa inaasahang mahaba pang epekto ng COVID19 pandemic, ngayong taon ay nakatakdang magsimula ang school year sa Agosto 24 at matatapos sa Abril 30, 2021.

Ito ay ayon mismo kay Departmenf of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones.

Ipinaalam na umano ng kagawaran sa Inter-Agency Task Force IATF on Emerging Infectious Disease ang bagong petsa ng pagbubukas ng klase, na napagkasunduang iurong mula Hunyo base na rin sa mga malawakang konsultasyon ng DepEd.

Pero hindi umano ito nangangahulugan na lahat ng guro at estudyante ay pupunta sa mga paaralan, lalo at naka-lockdown pa ang ilang lugar sa bansa.

Gagamitin ng DepEd ang iba’t ibang paraan para maihatid sa mga estudyante ang kanilang mga aralin kabilang na ang ang paggamit ng computer, cellphone, telebisyon, at radyo.

Sa Hunyo ay magsisimula na ang paghahanda ng mga guro para sa darating na school year, dagdag pa ni Briones.

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..