Monday 25th May 2020
f-icon twit-icon g-icon insta-icon
   
May 22, 2020 @ 17:16
Sharing is Caring!

Sa kasagsagan ng umiiral na community quarantine ay nagkaroon ng pagkakataon ang aktres na si Alice Dixson na mabisita ang lupain sa Quezon na minana niya sa kanyang mga magulang.

Bibihirang pagkakataon na madalaw ng aktres ang naturang pag-aari dahil sa nakasanayang buhay sa lunsod kaya naman nagbalik-tanaw siya sa kahalagahan nito sa kanyang personal na buhay.

Plano daw ang aktres na magpatayo ng bahay sa maliit na bundok, bahagi ng lupain na malapit sa dagat.

At isiniwalat pa nito sa pamamagitan ng Instagram na galing siya sa pamilya ng magniniyog at malamng ay sa ilalim pa umano siya ng puno nito ginawa ng kanyang mga magulang.

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..