Tuesday 30th June 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 4, 2020 @ 18:03
Sharing is Caring!

Sa mga magulang at estudyante na wala pang magagamit sa pagsisimula ng online classes, heto si Heart Evangelista na handang mamigay ng tablet!

Sa kanyang verified Twitter account na Love Marie O. Escudero (@heart021485), nagpaabot ng mensahe ang aktres sa mga walang pambili ng gadget kaugnay sa ipatutupad na online schooling sa pamamagitan ng computer o tablet.

Paalala ni Heart, i-DM o padalhan niyo lang siya ng request sa kanyang Instagram account at mamimigay siya ng bonggang bonggang tablet sa abot ng kanyang makakaya.

Pero ang pakiusap lang ng Kapuso star, huwag sa Twitter ipadala ang inyong mensahe dahil maguguluhan umano siya at baka hindi pa niya mapansin ang inyong request.

Kaya ‘wag makulit ha!

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..