Tuesday 30th June 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 6, 2020 @ 16:51
Sharing is Caring!

Napilitang umaksiyon ang pamahalan ng India sa kaso ng pagkamatay ng isang buntis na elepante na pinakain ng pinya na may lamang pampasabog makaraang putaktehin ng negatibong komentaryo mula sa publiko, kabilang na ang mga sikat at mayayaman sa bansa.

Ayon sa ulat, gumawa na ng hakbang ang Environment and Forest Ministry ng naturang bansa upang tugisin ang mga may kagagawan ng krimen na naganap sa bahagi ng Kerala na nasa southern part ng bansa.

“Central Government has taken a very serious note of the killing of an elephant in Mallapuram, #Kerala,” ayon kay Prakash Javadekar, pinuno ng nabanggit na ahensiya.

Kabilang sa mga pumalag sa nangyari sa elepante ay ang pangulo ng Tata Conglomerate na si Even Ratan Tata, pinakamayamang kumpanya sa India, Bollywood star na si Akshay Kumar Virat Kohli, cricket captain ng India.

Ang elepante ay lumabas sa gubat upang maghanap ng makakain at hindi man lamang umano nanakit ng nakasalubong at nanira ng bahay sa kabila ng kagutuman at agad na sinunggaban at isinubo ang pinya na may pampasabog na iniabot ng mga residente.

Dahil sa sakit na inabot ng magkagutay-gutay ang bunganga bunga ng pagsabog, nagtatakbo hanggang sa makarating sa ilog at tuluyang manghina at namatay nang nakatayo.

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..