Tuesday 7th July 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 11, 2020 @ 17:01
Sharing is Caring!

Nagbabangayan na sa Twitter sina Alex Gonzaga at ang rapper na si Matthaios!

Nagsimula kasi ang lahat ng tamaan si Alex sa tweet ng Catriona rapper tungkol sa kanta nitong AMFEE sa pagsasabing, “Ewan ko na lang ah, pero I just heard yung song na “AMFEE” and I think she was facing the mirror nung kinakanta niya ‘yon. Lol, jk!”

AMFEE ang latest single ni Alex na short for “Amfeeling” na ikina-trigger much ng Kapamilya star.

Kaya sa isang reply video, bakas ang pagka-irita nito sa pagsasabing daig ng jeje ang conyo sa pamamagitan ng rap.


Mabilis namang sumagot ang 20-year-old musician para i-bash ang hit novelty song ni Alex na Chambe at iginiit na sa vlogs na lang naman daw sikat ang Kapamilya actress!


Gigil na tanong naman ni Alex kay Matthaios – nagbayad daw ba ito kay Catriona Gray sa paggamit nito ng pangalan ng Miss Universe sa kanyang hit song? Ikinumpara pa niya ito sa kanyang Chambe na ipinagpaalam umano niya sa kapatid na si Toni Gonzaga at pamangkin na si Seve.

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..