Tuesday 30th June 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 11, 2020 @ 20:46
Sharing is Caring!

Ready na kayang umamin sina Romnick Sarmenta at ang indie actress na si Barbara Ruaro sa kanilang relasyon?

Sa Instagram, nag-upload si Romnick ng putol na larawan ng isang babaeng may bouquet ng red roses na pinag-alayan niya rin ng tula.


Lumalabas na nagtutugma naman ito sa black and white photo ng aktres na kabilang sa cast ng iWant digital series na Past, Present, Perfect (2019) at Tapes (2020).

View this post on Instagram

Thank you, N. You make my heart swell.

A post shared by Barbara Ruaro (@bieruaro) on


Hinihinala tuloy ng kanilang followers na baka nagkamabutihan ang dalawa sa ilang episodes ng Past, Present, Perfect kung saan sila nagkasama.

Taong 2018 nang inanunsyo nina Romnick at Harlene Bautista ang kanilang paghihiwalay. Ex-partner naman ni Barbara ang Eraserheads guitarist na si Marcus Adoro.

Well, wala namang masama na ma-in love ulit ang dalawang tao na nagmula sa past relationships. Baka mas ok nga ‘yun dahil this time, mukhang mas alam na nila kung paano maitatatak ang forever sa second chance in love.

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..