Tuesday 30th June 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 13, 2020 @ 15:55
Sharing is Caring!

Emosyonal pero nakakapagpatawa na ulit ng mga madlang pipol ang It’s Showtime hosts sa kanilang first ever pagbabalik sa live television.

Sa kanilang pilot episode simula nang matigil ang live production, sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, at Jugs and Teddy lang muna ang present na hosts, habang sina Karylle, K Brosas at Randy Santiago naman ang tumao bilang mga hurado ng Tawag ng Tanghalan.

Chika pa ni Amy Perez via Zoom, may naka-assign na shifting schedule kasi sa hosts para na rin maiwasan ang social gathering, at ma-practice ang social distancing nang hindi magsiksikan ang mga artista sa studio, sa dressing room, at sa iba pang lugar sa set.

May bagong segments din ang daily noontime show ng Kapamilya network tulad ng ‘Now Hiring’ na on-the-spot na nagbibigay ng trabaho sa contestant.

Bilang preparasyon din, nasagap namin na ilang araw na nag-quarantine ang hosts at pati ang contestants na dumaan muna sa rapid test bago sumabak sa camera. Wala pa ring live audience na tatanggapin, at ang lahat ng nasa studio ay required na magsuot ng clear face shield.

Mapapanood ang It’s Showtime sa Kapamilya Channel via cable at sa Jeepney TV sa pamamagitan ng TVPlus.

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..