Tuesday 30th June 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 17, 2020 @ 16:08
Sharing is Caring!

Sampung taon na ang nakakaraan pero fresh na fresh pa rin kay BB Gandanghari ang pait na dinulot ng mga komento sa kanya noon ni Vice Ganda sa TV Patrol!

Sa isang vlog ni BB sa kanyang YouTube channel, inalabas ng modelo ang lahat ng kanyang mga hinanakit sa Unkabogable TV host kaugnay sa insensitive na mga komento nito sa kanya 10 years ago.

Ayon kay BB, nagsimula ang lahat nang mag-reach out si Ricky Lo sa kanya para sa isang panayam, pero sa gulo ng schedule ng interviewer ay nagmistulang siya pa ang naghahabol ma-interview sa ‘BB Uncut’ – kahit pa ginambala na nga nito ang matagal na niyang tahimik na pamumuhay at modeling career sa Amerika.

Damang dama ang pagka-dismaya niya sa umano’y “ugaling Pinoy” na ito, kaya’t tuloy-tuloy na inilabas niya ang mga kinimkim nito habang umiinom ng whisky with cola na nasa martini glass.

Minabuti na niyang sabihin ang lahat-lahat sa harap ng BB nation, partikular na ang mga tinanggap niyang pamba-bash noon ng umano’y mga “plastikadang” tao.

Damang dama na masyadong nasaktan si BB sa panglalait noon ni Vice Ganda sa kanyang fashion statement at transformation mula sa pagiging Rustom Padilla to BB. Katwiran pa nito, sino nga naman ba si Vice para kwestiyunin ang mga desisyon niya sa buhay kaya ang say niya ngayon, “mukha lang siyang wig na may makeup.”

“Maswerte ka, sumikat ka, dahil bobita ka. ‘Yon lang ang masasabi ko sa’yo,” bahagi pa ng pahayag ni BB para kay Vice Ganda sa halos 2-hour tell-all video nito sa YouTube.

Para kay BB, hindi niya kinaya na ang It’s Showtime host ay “nagpa-interview pa sa TV Patrol para i-bash ako.”

Noong mga panahong iyon, nasaktan din siya ng labis dahil mistulang minaliit ni Vice ang kanyang fierceness at mga kaya pa niyang gawin bilang isang 40-year-old sa mundo ng pagmomodelo.

“Nakarinig ka na ba ng diversity? Oh ngayon, 40 ka na… medyo mashonda na rin,” pagdidiin ngayon ng US model kay Vice.

Kasama ring narinig sa naturang TV Patrol segment ang komento ni Ricky Reyes na “ayaw kong ang mga bading sa Pilipinas ay parang matsing sa hawla na pinagtatawanan.”

Tanong tuloy ng fresh-looking na si BB, sino na ang mukhang unggoy ngayon?

Masakit din para sa kanya na kinakaibigan ng “talking doll” na si Mariel Padilla ang isang “rag doll” na tulad ni Vice, gayundin ang kanyang mga kamag-anak niya na halata namang hindi rin siya suportado sa kanyang transformation, “Isang ragdoll at isang talking doll…. Birds of the same feather, flock together. San ko aasahan ang pamilya ko? Kung ang pamilya ko, kinakaibigan ang mga namba-bash sa ‘yo, kaibigan ba ‘yon?”

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..