Tuesday 30th June 2020
f-icon twit-icon insta-icon
   
Jun 18, 2020 @ 21:55
Sharing is Caring!

Gusto nang patahimikin ni Frankie Pangilinan si Sharon Cuneta sa social media dahil humantong na sa kwentong kasalan at pagbibigay ng mga apo ang latest post nito.

Sa Instagram, one proud mommy ang Megastar dahil sa pagkontra ni Kakie sa victim-blaming at paninindigan na hindi dahilan ang pananamit ng mga kababaihan para ito ay ma-rape.

Pero bago pa matumbok ni Sharon ang gusto niyang sabihin, sa kalagitnaan pa lang ng mahaba niyang post ay lumabas na ang tunay na mensahe ng ina sa pagsasabing, “Jusko ipagdarasal ko na makahanap ka ng asawang mamahalin at aalagaan ka. At please bigyan mo kami ng madaming apo. Okay na sakin anak kahit mag-asawa ka na bukas. Kaya lang wala ka palang boyfriend ngayon.”

View this post on Instagram

Ako naman alam ko na feeling ng Daddy at Mommy ko nung sumikat na ako bilang singer na nag-uumpisa pa lang…ganon man kasimple, mas proud ako na naging anak kita, dahil sa puso at pagkatao mo. Sa respeto at pagmamahal na binibigay mo sa amin ng Daddy mo. Sana anak hanggang mamamatay na lang kami huwag ka magbabago sa amin. Ikamamatay ko pag nag-iba ang ugali mo o lumaki ang ulo mo o maging plastik ka. Jusko ipagdarasal ko na makahanap ka ng asawang mamahalin at aalagaan ka. At please bigyan mo kami ng madaming apo. Okay na sakin anak kahit mag-asawa ka na bukas. Kaya lang wala ka palang boyfriend ngayon. I am so very proud of you. Oo hindi namin ine-encourage ang mga anak namin na magbihis ng malaswa ever since at strikto din po kaming mga magulang na di nagkukulang sa paalala. Ang sinasabi lang ng anak ko ay hindi dapat ibinibintang sa kasuotan ng sinumang babae ang pangaabuso o panggagahasa sa kanya. Kahit balot na balot sa winter clothes ang babae sa ibang bansa, nagagahasa pa rin. At di naman tumataas ang statistics ng rape cases pag summer lang at mas konti ang nakabalot na suot ng mga babae kundi all-year round halos pantay lang kahit sa lugar na may four seasons lang nakatira. Yun lang. Di po tanga o boba ang kahit sinong anak namin. Lahat sila mula kay KC, Miel at Miguel ay palaban basta nasa katwiran. Basahin niyo po sa Twitter ang mga storya ng mga nabiktima na may hashtag na #hijaako nang maunawaan at maramdaman niyo po ang sakit na dinaanan nila – kahit nakabihis ng maayos at balot na balot. Wala pong nais na awayin si Kakie. Pero ipaglalaban niya ang mga babaeng binabaligtad pa kahit sila na ang nabiktima at nagdurusa. Anak po yan ni Kiko. Pero tandaan niyo – ANAK KO RIN SIYA. Malakas ang lahing Katipunera (mga Lola ko) at Guerilla (Tatay ko) ang nasa dugo namin. Wala kaming inuurungan basta tama ang pinaglalaban. I am proud that Kakie is my daughter. What a shame if she weren’t a warrior like her dad and mother are, and her lolo and great-great grandmothers were! Siya ay aking anak. Ella es mija. #mijaKo @frankiepangilinan @kiko.pangilinan

A post shared by ActorSingerPresenter (@reallysharoncuneta) on

Touched man sa mensahe ng kanyang mommy, hindi naman napigilan ni Kakie na sumagot kay Mega.

Say nito sa pag-repost ng litanya ni Sharon, “for everyone who said my mother has to restrain me i think i have to restrain her aldhksjdofnfagsjgdjsg”

Paglilinaw pa ni Kakie, by choice kung kaya’t wala pa siyang boyfriend at the age of 19 dahil aniya “pinangako ko sa sarili ko na hindi ako magsesettle for anyone who tolerates or weirdly beholds my energy instead of balancing it.”

Sharing is Caring!

Latest    Trending    News

IG   Slideshow

All    Time    Trending

Copyright © 2020 NewsKo - Celebrity, media and campus crush..